Opo


“Actions speak louder than words.”

Ikaw na bata ka!
Kabisado na ng aking mga labi ang pangangatal
Habang humahagulgol ang aking katahimikan.
Hindi po ako bingi.

Di ba’t sinabi kong ibubukas mo lang yang binti mo
tapos pipikit ka ng konti, ba't di mo magawa? Ha?
Tangina ikaw rin lang naman ang umuubos ng kanin a!
Kabisado na ng aking mga binti ang hapdi
Habang humihiyaw ng lagitik ng sinturon.
Hindi po ako nagbibingi-bingian.

Tangina naman konting sakit lang o ikaw pa’ng may ganang magrebelde?
Kabisado na ng aking ulo ang pagyuko
Habang humahalakhak ang dagundong
Ng mga baso’t pinggan.
Hindi ko lang po ata naintindihan.

Aba matuto ka naming gumalang ako itong umire para makahinga ka!
Ilang lata din ng gatas ang utang mo sakin walang hiya ka ha!
Kabisado na ng aking dila ang lasa ng dugo
Habang pilit sinusupil ng aking ngipin
Habang sumasabog ang mga luha ni Ate
Habang pumapalahaw ang aking mga paa sa sahig
Habang kinakaladkad mo ako sa dating kulungan ni Brownie.
Hindi ko lang po ata alam.

Halika dito halika dito wala ka nang kawala
Para din sa kabutihan mo ito anak,
Habang kumakalatong ang mga kadena
Habang umalingawngaw ang paglagapak ng mga pintuan
Habang sinusutsutan ako ng paglisan ng iyong mga paa
Kabisado ko na, akong napipi ng kanilang batas,
Ang bulong na iiwan nila sa paglagapak ng pintuan:

Opo.

Payong


Sukob na
ang babala ng hangin
nang mumunting talsik ng kahapon
ang pumaso sa aking balat.
Halika na
ang mapanukso mong paanyaya
na paulit-ulit hinihila
ang giniginaw kong katawan.
Sabay tayo
patungo sa isang kabanata
ng paghigop mula sa tasa
ng ngitian at sulyapan.
Sa payong ko
ako'y patuloy na aantabay
sa iyong pagsuong
hanggang sa patigilin ako ng araw.

Lupang Hinarang


Bayang magiliw
Perlas ang sinisilang
Alab sa puso
Nagbibigay buhay.
Lupang hinarang
May dugo ng magiting
Ang manlulupig
Lang ang mananaig.
Sa dagat at bundok,
sa simoy at sa langit mong pula.
Mga dilag na tuli
Umaawit sa lalaking minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na dumidilim
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magniningning
Lupa ng luha, lilo at kasakiman
Buhay ay nanganganib sayo.
Tanging ligaya ay ang pagpapa-api
At mamatay ng dahil sayo.

Halo-halo


Isang kutsarang x+y=2unknown where x=male and y=female
Isang kutsarang monggo pabili ng monggo
Isang kutsarang nata de coco manang ito gusto ko
Isang kutsarang white beans meron pa ho kayo nito?
Isang kutsarang ube kelangan ko din nito
Isang kutsarang leche flan, mi paborito
Isang kutsarang vous pouvez repeter at mworago
Isang kutsarang language, which is arbitrary
Tig-kalahating kutsarang deal, okay let’s meet halfway
Isang kutsarang white beans, found it
Isang kutsarang asukal, ako din, ikaw
Isang kutsarang melodramady prose poetry, para sayo
Isang kutsarang Sulfonylureas, dinadiabetes ako sayo
Isang kutsarang hyperbole. BAKIT HINDI MO NA KO TINATAWAGAN
Isang kutsarang Adobe Photoshop, may pinagawa si boss
Isang kutsarang hacking. SIGURO MAY KALANTARI KA
Isang kutsarang whitebeans hindi, hinanap ko lang to
Isang kutsarang red lipstick
Isang kutsarang lust at gluttony
Isang kutsarang predation
Isang kutsarang Entropy. nasaan na yung tshirt ko?
Isang kutsarang Bigbang theory
Isang kutsarang x+y=1, where 1 is crying
Isang kutsarang Feminism ang inuwian ko
Isang bloke ng yelo, ang hirap kayurin, ang hirap alisin
Kayurin ang yelo.
Ihalo lahat.
I-digest ngunit huwag isubo.

Bagong buhay


Tinakbo niya ang gabing singlamig ng salamin.
Tumigil.
Nakatapak ng masidhing talas gaya ng salamin.
Binubog at sinaksak
Hanggang sa kalumpuan.
Gumapang.
Ginapang ang daan
Tungo sa hiwa ng liwanag
At aninong dilim
Ng nagbabadyang nilalang.
Naghintay.
Hanggang sa dumating
Ang hukom ng gabi.
Kasing talas ng salamin
Kanyang mata’t isip.
Ang pawis ginawang pulbos
At ang damo’y pinampunas ng dugo.
Ang uod ng tigang na lupa ay
Ginamot.
Gumaling at muling tumakbo
Panibagong karera.

Tail Lights


I always remember.
The first meeting,
The first hello,
The first date,
The first “I love you,”
The first kiss,
The first fight,
The first making up,
The first “I’m sorry.”

I always remember.
The birthdays,
The monthsaries,
The 100th, 200th, 300th day,
The anniversaries,
The holidays,
The ordinary days.

I’ll never forget.
The last encounter,
The last apology,
The last “I love you,”
The goodbye,
The last kiss,
The way you walk away.

I’ll never forget how bright your tail lights are,
As I try to remember your face.

Pangangalap


bago ang labanan sa literatura
hinanda ko ang aking sandata
naupo sa dalampasigan, nakahaba ang mga paa
"kinukuyumos ko ang mga buhangin
habang lumalamyos sa aking mga binti
ang mga along sing banayad ng mga ulap
habang utay-utay ang pag-ukit ng liwanag
ng araw sa aking mukha
isang umagang makintab na kahel ang kalangitan
kinakandili ako ng hangin,
ng ampiyas, ng talsik na maalat
tinutunaw ako ng ginaw
kasabay ng melodiya ng mga alon
at kalansingan ng mga bato at bugitis
ang aking mga mata’y kusang puminid
at umaapaw na mga panaginip
mula sa tunog na ikinubli sa syudad
ang ibinuhos sa akin ng malikot na dagat"
pinatakbo ko ang aking lapis
sa munting kwadernong aking bitbit
sing bilis ng buhos ng mga alaala
nangalap ako ng mga pangarap
humabi ako ng lambat
lambat ng pag-asa, lambat ng buhay
sa pusod ng dagat.

*bugitis- shell, yung maliliit na kabibe, pang aquarium

On forgetting

I will think of you ten years after on a cold day like this
I would've woken up earlier than usual but there is no usual
except the usual of cold eggs with mustard
followed by a vodka mouthwash
that leaves my lips with lines
and lines of words that will never
be heard by pen and paper

I will think of you when I buy coffee and oranges
and when my stomach turns because
you once said that oranges are the worst fruit
since they're acidic
and now so is my stomach

I will think of you when I rush to the nearest bathroom
at around 9.20 in the morning
and when I rinse my mouth with water
and look up to see a gentleman
coming out of the cubicle behind me

I will think of you when I trip on the third step
of the peach building where I will work
I usually slave away in front of the computer
But not this time I wouldn't have to

I will think of you when I pack all three years worth
of papers and whatnots
I will think of you when the guy I've been flirting with for a year
gives me a goodbye kiss (and herpes) on the cheek
and when he pats my bum
which is the period to the sentence that he couldn't say
because he's just like you

I will think of you when I walk out of the building
and when I cross the street
and leave my box filled with papers and whatnots
beside a rusty garbage bin

I will think of you when I get home
and sleep for more than ten hours because
I no longer have work at 9 am

And yes, I will think of you
when I sleep a bit longer than usual
and fail to wake up